"Parang na-discourage ako kasi nu'ng nasa Philippines ako parang I felt like I wasn't conventionally attractive for the actor scene."
Hindi inakala ng Japino o Japanese-Filipino na si Stefanie Arianne na sa Japan niya matutupad ang matagal na niyang pangarap na maging isang mahusay na aktres. Nito lang nakaraang taon, isa siya sa mga bida sa isang Japanese film na kinilala sa Cannes Film Festival.
Kung paano siya nagsimula ng acting career sa ibang bansa, iyan ang pinag-usapan nila ni Doc Anna sa episode na ito ng #ShareKoLang.